TAINAN, Taiwan (AP) – Nakatagpo kahapon ng mga survivor ang mga rescuer sa guho ng isang matayog na residential building na pinadapa ng malakas na pagyanig sa katimugang Taiwan nitong Sabado, na ikinamatay ng 19 na katao, habang maraming pamilya ang kinakabahang naghihintay ng balita tungkol sa kani-kanilang mahal sa buhay.

Ayon sa emergency center sa pinakaapektadong Tainan City, 171 katao ang na-rescue mula sa gusaling iginuho ng magnitude 6.4 na lindol.

Sinabi ni Tainan Mayor Lai Ching-te na may 124 pa ang na-trap sa gumuhong gusali, at karamihan ay nasa ibabang bahagi ng guho.
Internasyonal

Misa ng Santo Papa dinumog, halos kalahati ng populasyon ng East Timor, dumalo