Hindi lamang ang mga may alagang panabong sa mga lalawigan sa Luzon ang problemado ngayon kundi maging ang mga taga-Valenzuela City rin dahil umabot na sa lungsod ang tinatawag na newcastle virus.

Sa report, isang Arturo Isagani, ng Barangay Gen. T. De Leon ang nalagasan ng 38 panabong dahil sa nasabing virus.

Ani Isagani, pinainiksyunan niya ang kanyang mga manok ng gamot laban sa nabanggit na peste bukod pa sa pinaiinom ng bitamina ngunit tinamaan pa rin ng peste ang mga ito.

Nagsimula umanong tumamlay ang kanyang mga manok at pagkatapos ay bigla na lamang silang nagbagsakan at nangamatay.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Maging ang mga sisiw umano ay hindi nakaligtas.

Tinangka ng mga taga-Valenzuela City na katayin ang mga napesteng manok ngunit hindi umano ito makakain dahil pulang pula ang balat nito. - Orly L. Barcala