DRESDEN, Germany (AP) – Nagsagawa ng mga kilos-protesta laban sa Islam at immigration sa ilang siyudad sa Europe nitong Sabado, at nakipagsagupa pa sa mga pulis ang ilang raliyista sa harap ng tumitinding tensiyon kaugnay ng pagdagsa ng mga asylum-seeker sa kontinente.

Nakipagsagupa ang mga riot police sa daan-daang raliyista sa Amsterdam, at ilan ang ikinulong ng pulisya.

Sa Germany, hanggang 8,000 katao ang nakibahagi sa PEGIDA (Patriotic Europeans against the Islamization of the West) rally sa Dresden, ayon sa grupong Durchgezaehlt; habang 3,500 katao naman ang nagsagawa ng counter-demonstration malapit sa Elbe River.

Nagsagawa rin ng maliliit na PEGIDA protest sa France, Britain, Poland, Czech Republic, Ireland, Denmark, Finland, at Estonia.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina