AMY AT KATHNIEL copy copy

AVID fan pala si Amy Austria nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. Katunayan, may malaking project siyang tinanggihan sa GMA-7 para lang mapasama sa Pangako Sa ‘Yo kahit support lang ang papel niya bilang si Belen Macaspac, ang adaoptive mother ni Yna Macaspac (Kathryn).

Bukod sa malaki ang papel ni Amy sa tinanggihang serye sa GMA ay malaki rin ang talent fee, pero hindi siya naging interesado dahil mas gusto nga niyang makasama ang KathNiel.

“Yes, oo, huwag na nating banggitin kasi sa kabila ‘yun,” wika ni Amy.

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

Ano ang nakita niya kina Daniel at Kathryn?

“Sa totoo lang talaga, gusto ko silang makasamang dalawa, ha-ha, fan nila ako. At nagagalingan ako sa kanila at gusto ko silang makatrabaho,” pag-amin ng aktres.

At bilang patunay na KathNiel fan si Amy ay inamin niyang wala siyang pinalalampas na project sina Daniel at Kath.

“Yes, pinanood ko talaga ‘yung Got To Believe, Princess and I, ‘yung movie na She’s Dating The Gangster, ganu’n, kasi kinikilig ako sa kanila. Kahit nga sa taping, kinikilig ako sa kanila, eh, kaya sabi ko nga (kapag naglalambingan ang KathNiel), uwi na ako ha-ha-ha.”

“Kinikilig ako sa kanila kapag behind the scenes, ganyan, oh, magkahawak-kamay sila (sabay turo sa dalawa). At saka makikita mo sa mga mata nila na love nila ang isa’t isa, eh, kaya naiinggit ako,” kuwento ni Amy.

Kaya anumang project nina DJ at Kath ay gusto ni Amy na kasama rin siya kung maaari.

Labis-labis naman ang pasasalamat ng KathNiel sa magandang pahayag ni Amy tungkol sa kanila. (REGGEE BONOAN)