dennis trillo

BIHIRANG mag-shirtless si Dennis Trillo, sa pelikula man o sa telebisyon.

“Hindi na starlet si Dennis (para magtanggal ng T-shirt.),” paliwanag ng kanyang manager na si Popoy Caritativo.

Pero para sa bagong pelikulang Lakbay2Love na tungkol sa biking at sa environment, pumayag ang aktor na ipakita ang kanyang dibdib at abs sa isang eksena habang naghahakot siya kasama ang ibang foresters ng mga nahulog na troso.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

Forester-biker ang role ni Dennis sa Lakbay2Love. Naging game ang aktor na gawin ang lahat para maging makatotohanan ang kanyang pagganap. Lubos na naniniwala si Dennis sa mensahe ng pelikula.

Ang Lakbay2Love ay palabas na sa mga sinehan nationwide. Graded A ito ng Cinema Evaluation Board, mula sa Erasto Films at sa direksiyon ni Ellen Ongkeko-Marfil.