Tinawag na “panis” ng kampo ni Vice President Jejomar Binay ang partial report ng Senate Blue Ribbon sub-committee matapos ang mahigit isang taong pagdinig sa iba’t ibang akusasyong katiwalian laban sa bise-presidente.

Ito ang sinabi ni Joey Salgado, hepe ng Office of the Vice President – Media Affairs, sa iniulat sa plenaryo na partial report ng subcommittee matapos ang 25 pagdinig sa umano’y overpriced na Makati City Hall Building 2 at umano’y tagong mga yaman ng kanyang pamilya.

“Panis na ang report na ito. Pero isinalang ni Senator Pimentel sa plenaryo dahil survey period ngayon,”sabi ni Salgado.

Ayon pa kay Salgado, bahagi lamang ito sa mga pag-atake kay VP Binay sa pangunguna mismo ng Liberal Party (LP) candidate at kanyang tagapagsalita sa Palasyo na sina Edwin Lacierda at Manolo Quezon.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Inirekomenda ng subcommittee ang paghahain ng kaso matapos ang sinasabing “proper proceedings” at sa “tamang mga government agency.”

Paliwanag ni Salgado, ito na ang sinasabi ni Binay sa simula pa lamang ng imbestigasyon, wala umanong kakayahan ang sub-committee upang madetermina ang kanyang “criminal liability” na malinaw umanong “in aid of demolition” at hindi “legislation” ang pakay ng Senate investigation.

Nanindigan ang Vice President sa pahayag nito sa kanyang kritiko na ihain ang mga reklamo sa korte. (Bella Gamotea)