SA pagbubukas ng 2016, nanatiling number one sa buong bansa ang Kapuso Network ayon sa TV ratings mula sa Nielsen TV Audience Measurement.

 

Bunga ng malakas nitong performance sa daytime blocks, nakapagtala ang GMA ng 37.5 percent sa NUTAM (National Urban Television Audience Measurement) noong Enero (kung saan base sa overnight data ang Enero 24 hanggang 31), mas mataas ng 2.2 points sa 35.3 percent ng ABS-CBN at ng 29.3 points sa 8.2 percent ng TV5.

 

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Mga pambato rin ng GMA ang namayagpag sa listahan ng top 30 programs (including specials) sa NUTAM, Urban Luzon at Mega Manila.

 

Number one program sa Urban Luzon ang Pepito Manaloto at nanguna naman ang Kapuso Mo, Jessica Soho sa Mega Manila at ito rin ang highest-rating Kapuso show sa NUTAM.

 

Maganda rin ang naging pagsisimula ng taon para sa iba pang Kapuso shows tulad ng Magpakailanman, Eat Bulaga, Marimar, 24 Oras, Ismol Family, Sunday Pinasaya, at Little Nanay.

 

Hindi rin nagpahuli ang Because of You, That’s My Amboy, Celebrity Bluff, Wowowin, 24 Oras Weekend, The Half Sisters, Karelasyon, Kapuso Primetime Cinema, Vampire Ang Daddy Ko, IMBG 20 I Am Bubble Gang, Wish I May, Wanted: President, Buena Familia at i-Witness.

 

Dinaig din ng GMA ang ibang TV networks sa lahat ng timeblocks sa Urban Luzon at Mega Manila, kung saan matatagpuan ang karamihan sa urban TV households sa bansa. Ang Urban Luzon ay kumakatawan sa 77 percent ng kabuuang urban TV households sa bansa, habang tumaas naman ang population share ng Mega Manila at umabot ng 60 percent simula January 2016.

 

Sa Urban Luzon, muling naungusan ng GMA ang ibang istasyon matapos nitong magtala ng 42.5 percent, mas mataas ng 12.4 points sa 30.1 percent ng ABS-CBN at 35.1 points sa 7.4 percent ng TV5.

 

Patuloy rin sa pamamayagpag ang GMA sa balwarte nitong Mega Manila. Nakakuha ang Kapuso Network ng 44 percent, angat ng 16.6 points sa 27.4 percent ng ABS-CBN at ng 36.2 points sa 7.8 percent ng TV5.