FOLLOW-UP ito sa sinulat namin na kinikilig sa isa’t isa sina Sam Milby at 2015 Miss Universe Pia Alonzo-Wurtzbach sa nakaraang Grand Homecoming kasama ang past beauty queens ng Pilipinas sa Smart Araneta Coliseum nitong nakaraang Huwebes.

Akala namin ay nagbibiro lang si Piolo Pascual sa pambubuking niyang may nakaraan sina Sam at Pia, pero totoo pala! 

Nakatsikahan kasi namin ang isang ABS-CBN insider at inamin sa amin na naging ‘hot item’ nga noon ang dalawa pero hindi na lang pumutok sa media dahil discreet o marunong silang maglihim.

Naging busy lang daw pareho sina Sam at Pia kaya natigil ang pagkikita nila at ang huli nilang pagkikita ay noong nakaraang Star Magic Ball pero kitang-kita ng mga dumalo sa affair na may sparks sa tinginan ng dalawa.

Tsika at Intriga

Julia Montes banas sa tinulungan noon, sinisiraan na siya ngayon

Dateless pareho sina Sam at Pia that time kaya sila itinukso sa isa’t isa. Magkasama sila sa iisang lamesa, pero biglang may tumawag sa aktor kaya napatayo at hindi na nakabalik kay Miss Universe.

Ang sitsit pa sa amin ay textmates ang dalawa at kahit daw noong nasa Amerika si Pia ay tuluy-tuloy ang palitan nila ng text messages.

Kaya humingi kami ng one-on-one interview sinuman kina Sam at Pia para maliwanagan ang mga nakuha naming impormasyon. Gusto naming malaman kung ano ang nangyari at hindi nag-prosper ang pagdi-date nila noon.

(Reggee Bonoan)