Ni NORA CALDERON

marian dingdongNGAYONG more than two months old na si Baby Letizia, mukhang ready na ngang bumalik sa trabaho ang mga magulang niyang sina Dingdong Dantes at Marian Rivera. 

Ilang buwan na ring hindi umaarte since his last drama series na Pari Koy, kaya hinahanap na rin ni Dingdong ang pag-arte. Ito ang dahilan kaya tinanggap niya (kung hindi kami nagkakamali, first time ito) ang true story ng isang military man sa isang episode ng Magpakailanman hosted by Mel Tiangco sa GMA.  

Si Marian naman, na last November pa huling nag-appear sa Sunday Pinasaya, ay sure nang babalik sa February 21. Ito na muna ang gagawin niya, bago ang isang drama series na dasal ng DongYans ay sila na uli ang magkatambal.

Relasyon at Hiwalayan

Kobe Paras, naka-three point shot na ba sa puso ni Kyline Alcantara?

Nagkaroon na rin ng chance ang mag-asawa na mag-date naman sila last Wednesday. Nag-date ang mag-asawa sa Manila Peninsula at sa Instagram account ni Marian, nag-post siya ng “feeling dalaga last night as I took a quick break from my Mommy duties. Thank you Mama sa pag-aalaga kay Letizia kagabi.”  

Iniwan muna pala kasi ng mag-asawa si Baby Z sa Mama Amalia ni Marian.

Ang post naman ni Dingdong sa kanyang Instagram account, “A quick and temporary change of status from being ‘hands-on parents’ to ‘dating parents.’

Simula noong mga binata at dalaga pa sina Dingdong at Marian hanggang sa naging mag-asawa na at nagbuntis na nga ang huli, nasa routine na nila ang paglabas, magsimba muna, saka magdi-dinner. For a while simula nang isilang si Baby Z, sa bahay lamang ang mag-asawa at paminsan-minsan lang lumabas para bumisita sa mga kaibigan at members ng kanilang pamilya.