Naging sandigan ng University of the Philippines ang impresibong pitching na ipinakita ni Cochise Bernabe para blangkahin ang Ateneo, 11-0, sa isang “abbreviated match” sa pagsisimula ng UAAP Season 78 softball tournament sa Rizal Memorial Baseball Stadium kahapon.

Nagawang ma-struck-out si Bernabe ang 6 na batters ng Lady Eagles upang magapi ang mga ito sa loob lamang ng apat na innings.

Kasunod ng Lady Maroons, nagpamalas din ng kanyang husay sa paghagis si pitcher Mary Ann Antolihao ng UST Tigresses nang talunin nila ang University of the East, 4-0,

Sa tampok na laro, tinambakan naman ng National University ang De La Salle, 10-2.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Samantala sa juniors baseball, tatangkain ng Ateneo na makopo ang titulo sa pagtutuos nina ng De La Salle-Zobel ganap na 9:00 ngayong umaga.

Nauna nang ginapi ng Blue Eaglets ang Junior Archers, 13-8, noong nakaraang Miyerkules upang makumpleto ang sweep ng elimination round.