angel-locsin-luis-manano copy copy

HINDI gimik para sa pelikulang Everything About Her ang hiwalayang Luis Manzano at Angel Locsin. Ito ang may diing banggit ni Vilma Santos nang makausap namin sa block screening ng Vilmanians.

Nagkataon kasing ipapalabas ang nasabing pelikula last Wednesday nang pumutok ang balita tungkol sa breakup nina Luis at Angel – na idinenay ng huli sa Tonight With Boy Abunda last Friday. May pinagdadaanan lang daw sila at gusto pa nilang ayusin ang relasyon nila.

Ayon pa kay Gov. Vi, walang katotohanan ang intriga na gimik ang breakup para lang daw lalong umingay ang Everything About Her na ang latest balita sa amin ng isang Star Cinema insider ay lalong lumalakas ang pelikula. Kung magpapatuloy ang trend ng pasok ng moviegoers sa mga sinehan, baka ito na ang maging highest grossing Vilma Santos film.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Pero kahit anong pangungulit namin ay iniiwasan pa rin ni Ate Vi na magkomento hinggil sa isyu kina Angel at Luis.

Pero inuulit-ulit ni Ate Vi na malaki ang pagpapahalaga ng anak niya sa relasyon nito kay Angel. Ipinaliwanag din ng multi-awarded actress/politician na hindi natuloy si Luis sa pelikulang ito dahil ayaw ng panganay niya na maging komersiyal ang relasyon nila ni Angel.

Samantala, wala raw kaalam-alam si Edu Manzano sa hiwalayang Angel at Luis dahil sa kabisihan ng senatorial candidate sa paglilibot sa iba’t ibang lugar kaya sa diyaryo na lang nito nalaman ang nangyayari. (JIMI ESCALA)