CONCEPCION, Tarlac - Pitong katao ang duguang isinugod sa magkakahiwalay na ospital matapos magkabanggaan ang isang tricycle at isang Mitsubishi-Fuso jeepney sa Concepcion-Magalang Road sa Barangay San Francisco, Concepcion, Tarlac.

Ayon kay PO3 Aries Turla, isinugod sa Doctor Eutiquio Atanacio Memorial Hospital sina Anthony Aurelio, 13, driver ng tricycle (RQ-8691); Cris Jace Celis, 15; Realyn Rivera, 14; at Conrado Rivera, Jr., 10, ng Bgy. San Vicente; Mary Ann Yumul, 14, ng Bgy. San Francisco; at Nicole Balubayan, 14, ng Bgy. San Jose, pawang sa Concepcion.

Sugatan din ang driver ng jeep (CPN-520) na si Ernesto Sinio, 63, may asawa, ng Bgy. Duquit, Mabalacat, Pampanga.

(Leandro Alborote)
Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog