Andre Paras TMA copy

NAKATUTUWANG kausap si Andre Paras sa presscon ng That’s My Amboy nang mapag-usapan ang tungkol sa sex video at sexy photos ng male stars. Biniro siya ng kausap na entertainment writers na baka may itinatago rin siyang sex video o sexy photo. Sigurado raw siyang walang lalabas na ganoon dahil wala naman siyang ginagawa.   

Weird daw para sa kanya ang mga gumagawa ng ganoon.

“In fact, kapag naliligo ako, iniiwanan ko sa bed ko ang cellphone ko,” sagot ni Andre. “Kahit nasa toilet ako, itinatago ko rin ang phone ko. Hindi ako nagti-tempt na kunan ang sarili ko, scary sa akin ‘yon. Kaya ang phone ko, laging nasa akin para gamitin ko kung kailangan ko at hindi gamitin para ipagyabang ang sarili ko.”

Mga Pagdiriwang

Ang mayamang tradisyong tatak ng 'Paskong Pinoy'

Seryoso sa kanyang trabaho si Andre na isinasabay niya sa college course niya sa San Beda College. Maituturing na blessed si Andre na hindi siya nawawalan ng work sa GMA-7 at sa Viva Films. Nagagawa rin niyang magkaroon ng dalawang ka-love team, na wala anumang conflict. 

Sa TV, si Barbie Forteza, sa una nilang team-up sa The Half-Sisters at ngayon may kasunod agad na That’s My Amboy.

Sa movie naman, ilang beses na silang nagtambal ni Yassi Pressman, sa Diary ng Panget, Wang Fam at ang Valentine presentation ng Viva Films na Girlfriend for Hire. 

Sino ang gusto niyang maging permanenteng ka-love team?

“Wala naman akong dapat piliin dahil magkaiba nga ang ginagawa namin,” sagot ni Andre. “But I’m very thankful kay Barbie dahil kahit baguhan pa lamang ako nang i-partner sa kanya, hindi niya ako tinanggihan. Siya ang nag-guide sa akin sa mga drama scenes namin, dahil napakahusay niya. Si Yassi naman, mostly ay romantic-comedy ang ginagawa namin kaya comfortable kami sa mga eksena namin. At thankful ako dahil wala namang nangba-bash sa akin na mga fans dahil dalawa ang ka-love team ko. Tanggap nila kung sino ang katambal ko, wala silang sinasabi na mas gusto nila si Barbie o mas gusto nila si Yassi. Kaya thankful ako sa lahat ng mga nanoood ng That’s My Amboy.”

Nagsimula na ito last Monday sa GMA 7. Mapapanood naman ang Girlfriend for Hire starting February 10 in cinemas nationwide. (NORA CALDERON)