mark copy copy

HINDI sinasagot nina Mark Herras at WynWyn Marquez ang tanong ng kanilang followers sa Instagram (IG) kung silang dalawa na. Deadma sila sa pangungulit ng fans na kinikilig na kahit hindi pa naman kumpirmadong couple na sila.

Ang pinagbabasehan ng followers na may “something beautiful” na kina Mark at Wynwyn ay ang kanilang posts din mismo sa IG. Kung baga sa salita, iba na ang tono, mas sweet na ngayon.

Unahin natin si Mark na napapadalas ang pagpo-post ng picture ni Wynwyn at picture nilang magkasama. Ang latest post ni Mark sa IG account niya ay series ng picture ni Wynwyn na may caption na, “Normally, pag may gumaganito sa phone mo maiinis ka eh... Bakit ako natuwa?”

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Lumalabas na ginalaw ni Wynwyn ang phone ni Mark, kinunan ang sarili gamit ang isang app sa cellphone na sa halip na ikagalit at ikinatuwa pa ng aktor. This must be love!

Si Wynwyn naman, ini-repost ang post ni Mark na publicity ng shows ng actor na Wish I May (wala na ang karakter ni Mark), Dangwa (magtatapos na) at Little Nanay. Sa ginawa ng dalaga, “Salamat Teresita” ang sukli ng aktor.

Magkasama sina Mark at Wynwyn sa Little Nanay at mabuti na hindi sila magkapareha sa teleserye. Hindi sila maaakusahang gumigimik para i-promote ang tambalan nila. Si Hiro Peralta ang love interest ni Wynwyn at wala namang partner si Mark. (Nitz Miralles)