SIENCE CITY OF MUNOZ, Nueva Ecija — Arestado ang isang 36-anyos na lalaki na tumakas sa checkpoint sa Barangay Maligaya ng lungsod kamakalawa ng hapon.

Ayon kay P/Insp. Ronaldo Gamit, team leader sa checkpoint, pinara nila si Robert Silva y Roque, residente ng Purok Pudyot, Bgy. Baloc, Sto. Domingo, Nueva Ecija para sa routine inspection ngunit nang malingat ang mga pulis ay pinaharurot ng suspek ang kanyang motorsiklo.

Hinabol siya ng mga pulis at hiningan ng mga kaukulang dokumento subalit walang maipakita. Dito na napansin ang nakasukbit na cal.45 pistol na “paltik”, walang serial number, at isang magazine na may 4 na bala.

Si Silva ay kinasuhan sa paglabag sa RA No. 10591 at Commission on Elections (Comelec) Gun Ban. (Light A. Nolasco)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog