TUY, Batangas - Dead on arrival sa pagamutan ang isang sundalo matapos umanong makaengkwentro ng mga hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Tuy, Batangas.

Kinilala ang biktimang si A1C Cliff Arvin Alama, 30, ng Philippine Air Force (PAF) 730th Combat Group, at taga-Sitio Palico, Barangay Bilaran, Nasugbu.

Sa ulat ng Batangas Police Provincial Office (BPPO), dakong 5:00 ng hapon nitong Lunes at nagpapatrulya ang grupo ni Alama nang makasagupa ang mga rebelde sa Sitio Masapinit, Barangay Toong. (Lyka Manalo)
Probinsya

Unang fully air-conditioned public school, bukas na sa San Pedro, Laguna