PBA_game 4_05_Dungo,jr_240116 copy

Laro ngayon

Araneta Coliseum

7 p.m. San Miguel Beer vs. Alaska

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

SMB, aminadong mahihirapang masungkit ang titulo.

Bagamat nabuhay ang kanilang tsansa na mapanatili ang hawak na korona matapos mapigil ang tangkang sweep ng Alaska sa kanilang best-of-7 finals series noong Game Four, naniniwala si San Miguel Beer coach Leo Austria na mahihirapan silang muling magkampeon at isang himala ang kanilang kailangan para ito ay maisakatuparan.

“It’ll take a miracle, but who knows,” ani Austria na tinutukoy ang napakabigat na misyong magwagi ng apat na sunod kontra Alaska na lamang pa rin sa kanila, 3-1, sa kanilang duwelo para sa 2016 PBA Philippine Cup title.

Isang napakalaking hamon para sa kanyang mga manlalaro ang muling mag-step-up at magwagi ng dalawang sunod para maitabla ang serye at makapuwersa ng winner-take-all Game Seven sa dahilang hindi pa rin maglalaro ang kanilang numero unong player na si Junemar Fajardo.

Nilinaw ni Austria na hindi niya itataya ang kinabukasan ng reigning back-to-back MVP na kapapanalo pa lamang ng Best Player of the Conference award para lamang magkaroon ng malaking tsansa sa kampeonato.

Ibinibigay ni Austria ang bigat ng pasanin sa nalalabi niyang mga players na kanyang hinamon at sabay pinangakuan kung magtatagumpay ang mga itong makatabla sa Aces.

“Give us a Game Seven and Junemar will play,” ani Austria.

“Well, that’s the only way I will allow June Mar to play because I don’t want to disrupt the healing process,” ayon kay Austria. “Maganda ‘yung progress sa kanyang knee.”

“Baka enough time na yon,” dagdag pa nito na tinutukoy ang tuluyang paggaling ng injury ng kanilang pambatong slotman.

Sa kabilang panig, bagamat nabigo sa tangkang sweep, hindi pa rin maitatatwa na hawak pa rin maitatatwa na hawak parin ng Aces ang kontrol dahil nakakalamang pa rin sila at sa katunayan ay hindi nagbago ang sitwasyon na kailangan na lamang nila ng isang panalo upang ganap na makamit ang pinakaaasam na unang All-Filipino title.

Sasandigan muli ni Austria upang unti-unting magawa ang kanilang misyon sina dating league MVP Arwind Santos, kasama sina Gabby Espinas,Yancy de Ocampo, at JR Reyes na siyang inaasahang magpupuno sa pagkawala ni Fajardo kabalikat ang kanilang mga mahuhusay na guards na sina Chris Ross, Chris Lutz, Alex Cabagnot at Ronald Tubid.

Ngunit malaking katanungan kung papayagan pa silang muli nila Calvin Abueva, Vic Manuel, Dondon Hontiveros, Jayvee Casio at Sonny Thoss na gusto ng wakasan ang serye at ibigay sa kampeonato sa Alaska. (MARIVIC AWITAN)