Enero 26, 1950 nang maging epektibo ang Indian Constitution, at pormal na naitatag ang India bilang isang malayang demokrasya.
Kabilang si noon ay Indian Prime Minister Jawaharlal Nehru sa mga nanguna sa pagsusulong ng kalayaan ng India, at nakatulong upang mabawasan ang karahasang pang-relihiyon sa bansa. Tiniyak sa mga Indian na magiging malaya na ito mula sa Britain noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Nangarap si Nehru, gaya ni Mohandas Gandhi, ng isang lipunang Indian na walang pagkakawatak-watak na bunsod ng caste. Alinsunod sa Konstitusyon, ang pangasiwaan ng gobyerno ay ibabatay sa sistemang parlamento ng Britain, at magdaraos ng mga eleksiyon. Ang tungkulin ng presidente ay ceremonial lamang, ngunit magkakaroon ng dagdag na kapangyarihan kapag umiiral ang state of emergency.
Ngunit noong unang bahagi ng 1950s, namroblema ang bansa sa malaki nitong populasyon at pananamlay ng ekonomiya.
Kinailangang pigilan ni Nehru ang mga hakbanging awtonomiya sa ilang estado ng bansa, at may mga pagkakataon ding tinalikuran ang kanyang adbokasiya laban sa karahasan upang maresolba ang ilang usapin.