BACOOR, Cavite – Tatlong katao, kabilang ang isang bata, ang nasawi nitong Linggo ng hapon, habang apat na iba pa ang malubhang nasugatan nang salpukin ng isang kotseng sumabog ang gulong at bumaligtad ang isang van sa Daanghari Road sa Barangay Molino IV sa lungsod na ito.

Kinilala ng Bacoor City Police ang mga nasawi na sina Choe Mcenzie Abcede, 3; Brenda Diolon, 22; at Francisco Mabuhay Anino, Jr., 48 anyos.

Nasugatan ang mga magulang ng bata na sina Mark Rebanal Abcede, 35; at Rochelle Abcede, 33; at ang mag-asawang Nestor at Elizabeth Ortigosa.

Napaulat na lulan ang mga Abcede at si Diolon sa pulang Toyota Innova (AAY-6290) na minamaneho ni Mark habang sakay naman ang mga Ortigosa sa Super Custom Hi-Ace van (RBX-929) na minamaneho ni Anino.

Probinsya

Atimonan mayor, kinondena pamamaslang sa 10-anyos na batang babae

Nangyari ang aksidente isang linggo makaraang pitong teenager ang namatay matapos magliyab at sumabog ang sinasakyan nilang kotse sa Tagaytay City. (Anthony Giron)