TARLAC CITY – Isang hinihinalang miyembro ng Akyat-Bahay gang ang nabaril at napatay habang nakatakas naman ang kanyang kasamahan matapos nilang makasagupa ang mga pulis sa Barangay Ungot sa lungsod na ito.

Ayon kay Chief Supt. Rudy Lacadin, regional police director, nakaengkuwentro ng kanyang mga tauhan, sa pangunguna ni Insp. James Bugayong, ang dalawang hindi pa nakikilala at armadong suspek sa Bgy. Ungot.

Nangyari ang engkuwentro makaraang may mag-report sa pulisya na dalawang kahina-hinalang lalaki ang umaaligid sa isang sarado nang grocery sa nasabing barangay.

Sa pagdating ng mga pulis, binaril umano sila ng isa sa mga suspek hanggang mapatay nila ang isa sa mga ito at makatakas naman ang isa pa.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Nasamsam mula sa napatay ang isang .38 caliber revolver na may mga bala at isang bag na naglalaman ng tools na pinaniniwalaang ginagamit sa panloloob. (Mar Supnad)