Inamin ni Caloocan City Rep. Edgar Erice na tuluyan nang nabigo ang panukala niyang matuldukan ang pagkakaroon ng political dynasty sa bansa ngayong 16th Congress.

“We are giving up the anti-dynasty bill. We don’t have the numbers and the time,” sinabi ni Erice, pangunahing may akda ng nasabing panukala, matapos magpahayag ng duda si Sen. Koko Pimentel, chairman ng Senate Committee on Electoral Reforms, na makalulusot pa ito sa Mataas na Kapulungan.

Sinabi ni Erice na tanging matinding panawagan ng publiko ang makasasalba sa nasabing panukala.

Sinegundahan ang naunang pahayag ni House Speaker Sonny Belmonte, sinabi ni Erice na ipinauubaya na niya sa 17th Congress ang pag-apruba sa Anti-Political Dynasty Bill. - Charissa M. Luci
Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'