Napatay ang isang hinihinalang drug pusher matapos manlaban sa militar at pulisya na nagsagawa ng buy-bust operation at umaresto sa walong katao sa Maluso, Basilan, iniulat kahapon.

Sa report ng Western Mindanao Command (WestMinCom), napatay makaraang manlaban si Abubakar Mohammad sa magkatuwang na operasyon ng Marine Battalion Landing Team-11, 4th Special Forces Battalion, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), at Maluso Municipal Police, sa Sitio Canas, Barangay Calangcanas, Maluso.

Kinilala pa ang walong kasamahan ni Mohammad na inaresto at nakumpiskahan ng hinihinalang shabu, iba’t ibang baril, marked money, at drug paraphernalia. (Fer Taboy)
Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol