Hindi pinalagpas ang ni Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara ang pagkakataon upang pasalamatan ang Samahang Basketball ng Pilipinas sa tagumpay ng mga itong makamit ang karapatan para maging host ng isa sa gaganaping 2016 Rio Olympics basketball qualifying tournament.

“Ipinaaabot ko ang aking taos-pusong pasasalamat sa FIBA sa pagkakataong ipinagkaloob nila sa Pilipinas bilang isa sa mga punong-abala sa World Olympic Qualifying Tournament,” sabi ni Angara, na masugid na tagasuporta ng basketball at isang aktibong miyembro ng koponan ng Senado.

“Sa pamamagitan nito ay mabibigyan ng home court advantage ang Gilas Pilipinas sa huli nitong laban upang mapabilang sa mga koponang posibleng makapasok sa 2016 Rio Olympics,” sabi pa ni Angara na matatandaang nanguna para maaprubahan ang batas na nagdadagdag ng insentibo at benepisyo sa mga pambansang atleta.

“Malugod ko ring binabati ang Samahang Basketbol ng Pilipinas, lalong-lalo na ang pangulo nito na si Manny V. Pangilinan na nanguna upang maisakatuparang lahat ang mga ito.”

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“Nananawagan po ako sa ating mga kababayang tagahanga ng basketball na suportahan natin ang Philippine team at ipagdasal na makapasok tayo sa inaasam-asam na Olympic basketball tournament. Buo ang aking tiwala na muling magpapakita ng lakas at galing na may puso ang ating koponan para bigyang karangalan an gating bayan. Mabuhay ang Gilas Pilipinas,” pagtatapos ni Angara. (ANGIE OREDO)