Nakatakdang sumambulat ngayon ang World Series of Fighting, Underground Battle 13: Foreign Invasion na katatampukan ng salpukan para sa Middleweight championship belt sa pagitan nina Mark Palomar ng Pilipinas at ONE Championships fighter Brad Robinson ng Estados Unidos sa Makati Coliseum.

May tatlong titulong paglalabanan sa event kabilang na ang laban nina Palomar at Robinson ayon na rin kay UGB MMA founder at United States Navy chief Ferdie Munsayac .

Inaasam ni Palomar na masungkit ang una nitong titulo sapul nang magsimula sa mixed martial arts noong 2010.

“This will be an acid test for us despite staging events for the past 13 editions,” sabi ni Munsayac. “I am here to unite the industry, from the promoters, trainers to the fighters. I will always adhere to my league’s principle that is for the fighters, by the fighters.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“We’ll see, anything can happen in the fight. He is big but I had seen his video and I know what to do,”ayon naman kay Robinson na beterano ng One Fighting Championshisp. “I’m in very, very good condition. It will be a challenge fight. Whatever it goes, it will be very exciting.”

Gaganapin din bilang co-main event ang sagupaan para sa bantamweight at featherweight kung saan dalawang Pakistani ang sasagupa kontra sa dalawang papaangat din na mga Filipino fighter mula sa Team Catalan.

Sasagupain ni Rodian Menchavez para sa unang UGB MMA Featherweight Championships belt si Ahmed Mujtaba na bitbit ang malinis na kartada habang tatangkain ni Welmil Graves, may dalawang sunod na panalo, ang titulo sa Bantamweight Championships laban kay Uloomi Karim na may 4-3 panalo-talong karta.

Si Karim ay dating VCL bantamweight champion na nais ipamalas ang kanyang matinding fighting style kontra sa Battle of the Beast Muay Thai champion na si Gravez. (ANGIE OREDO)