DAVAO CITY – Ibinunyag ng insiders mula sa kampo ng presidential aspirant na si Mayor Rodrigo Duterte na totoo ang tinaguriang “The Great Raid” plot na layuning ipahiya at siraan ang alkalde.

“There is continuing demolition job against Duterte from other camps,” sinabi ng tagapagsalita ni Duterte na si Peter Tiu Laviña sa may akda.

Aniya, nais ng ibang kampo na siraan ang pamunuan ng alkalde sa pagpapalabas na talamak at ilegal na droga at kriminalidad sa Davao City.

Ang nasabing plot ay kinumpirma ni dating North Cotabato Governor Manny Piñol, miyembro ng Team Duterte.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sinabi ni Piñol na ang plot at kinumpirma sa kanya ng isang intelligence officer na tumanggi siyang pangalanan.

Ayon kay Piñol, sangkot sa plot ang isang malaking raid na isasagawa ng mga special anti-drugs unit ng gobyerno sa isang tutukuyin bilang “drug laboratory” sa lungsod.

Aniya, nag-double check pa siya sa nasabing impormasyon at kinumpirma ng isa pang source ang tungkol sa ikakasang The Great Raid. (ALEXANDER D. LOPEZ)