Enero 21, 1976 nang unang beses na bumiyahe ang unang Concorde plane, sakay ang mga commercial passenger, mula sa Heathrow Airport sa London at Orly Airport sa France, sa bilis na 1,350 milya kada oras.
Kinakailangan malampasan ng mga salamin ng Concorde planes ang mataas na pressure at temperature, at ang mga makina ay mas matibay kumpara sa mga ordinaryong jet. Unang beses isinagawa ang test flight ng Concorde plane noong 1969.
Noong una, ito ay hindi pinayagang gamitin sa United States dahil sa ingay na naiidulot nito.
Nakapaghatid ng serbisyo ang Concorde jets sa loob ng 27 taon. Ang pinakamabilis nitong biyahe mula New York hanggang London na umabot ng dalawang oras at 52 minuto. Ngunit ang Concorde jet ng Air France ay dumausdos noong Hulyo 2000, patay ang 109 na pasahero.