Nawa’y magsibling aral sa mga kababaihan na walang magandang maidudulot ang paglalayas at pagsuway sa magulang matapos halayin ng kanyang best friend ang isang istokwa sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon.

Pinagsisisihan ng suspek na si Randolf Mabingnay, 24, welder, ng Amparo Subdivision, Barangay 179 ng nasabing lungsod, ang kanyang nagawa ngunit huli na ang lahat dahil kinasuhan na siya ng rape at child abuse ng biktima na itinago sa pangalang “Cherk,” 16.

Sa salaysay ng dalagita, dakong 4:00 ng hapon nang makitulog siya sa bahay ni Mabingnay dahil siya ay naglayas sa kanilang bahay.

Dahil makinis at seksi ang biktima, nabighani ang lalaki sa kaibigang natutulog at hindi nito napigilan ang sarili na halayin ito.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Walang nagawa ang babae hanggang nailugso ng lalaki ang kanyang puri.

Sa pag-aakalang hindi magrereklamo si Cherk dahil kaibigan niya ito, naging kampante si Mabingnay hanggang sa magulat na lang ang huli dahil inaaresto na siya ng mga pulis.

Dagdag pa ng dalagita, pinagamit daw muna siya ng ilegal na droga ng kaibigan bago hinalay. (Orly L. Barcala)