CITY OF ILAGAN, Isabela – Inihayag ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na makakaranas ng 10-oras na brownout ngayong Huwebes, mula 8:00 ng umaga hanggang 6:00 ng gabi.

Sinabi ng NGCP na apektado ng brownout ang mga sineserbisyuhan ng ISELCO II sa mga bayan ng Roxas, San Manuel, Mallig, Quirino, Quezon, Burgos, at Aurora.

Bibigyang-daan ng brownout ang pagpapalit ng mga poste ng kuryente sa Gamu-Roxas 69kV transmission line.

(Liezle Basa Iñigo)
Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog