CATANAUAN, Quezon - Isang babae na retiradong guro ang nagbigti sa loob ng kanyang bahay sa Barangay 3, Poblacion, sa bayang ito, nitong Linggo ng hapon.

Kinilala ng pulisya ang nagpatiwakal na si Remedios M. Fortaleza, 72, dalaga, retiradong guro.

Ayon sa report, dakong 4:40 ng hapon nang matuklasan ng pamangking si Bobby ang pagbibigti ng tiyahin at agad niyang kinalag ang lubid sa leeg nito at isinugod ito sa Bondoc Peninsula District Hospital.

Gayunman, wala nang buhay si Fortaleza.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Sinabi ni Bobby sa pulisya na dumanas ng depresyon ang kanyang tiyahin sa nakalipas na mga linggo.

Nakita rin sa cell phone ng ilang kaanak ang text message ni Fortaleza na nakasaad ang: “Hingi n lng nyo ako ng tawad s Diyos. Ptawad din s nyo (sic).” (Danny J. Estacio)