TARLAC CITY - Isang negosyanteng Indian ang pinagbabaril sa ulo at napatay ng hindi nakilalang suspek sa Mabuhay Street, Phase 3 sa Northern Hills Subdivision, Barangay San Rafael, Tarlac City.

Sa ulat ni PO3 Joey Agnes, ang pinaslang ay nakilalang si Gurinder Singh, 24, Indian, may asawa, negosyante, at kasalukuyang nakatira sa Bgy. Sta. Maria, Concepcion, Tarlac.

Ayon sa report, kagagaling lang ng biktima sa isang prayer meeting, at sakay ng Ford Everest (RFG-630) na hiniram sa pinsan niyang si Herpreet Singh, nang sa paglabas niya ng gate ay pinagbabaril siya ng suspek na sakay sa isang motorsiklo.

Hindi na siya umabot nang buhay sa Central Luzon Doctors’ Hospital.

Probinsya

Atimonan mayor, kinondena pamamaslang sa 10-anyos na batang babae

Ang suspek ay inilarawang may taas na 5’8”, nakasuot ng pulang jacket at short pants, at pinaniniwalaang isang hired killer. (Leandro Alborote)