SEOUL, South Korea (AP) — Nagpakalat ang North Korea ng tinatayang isang milyong propaganda leaflet na ikinabit sa mga lobo patungo sa South Korea sa gitna ng umiinit na tensyon ng magkaribal na estado kasunod ng nuclear test kamakailan ng North, sinabi ng mga opisyal ng Seoul noong Lunes.

Ayon sa Defense Ministry ng Seoul, halos araw-araw na nagpapadala ang militar ng North ng mga lobo. Sinabi ni spokesman Kim Min-seok na nakarating ang mga ito sa Seoul bukod sa mga lugar na malapit sa hangganan.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'