LA PAZ, Tarlac – Isang motorcycle rider ang nasawi at anim na iba pa ang grabeng nasugatan makaraang magkasalpukan ang isang Kawasaki Rouser motorcycle at isang Hyundai Grace van sa La Paz- Sta. Rosa Road sa Barangay San Roque, La Paz, Tarlac.

Nasawi si Noel Prindiana, 27, driver ng motorsiklo na walang plate number, habang sugatan naman ang angkas niyang si Arjay Prendiana, 19, kapwa ng Bgy. San Roque, La Paz.

Nasugatan din sina Vilma Azunsion, 44; Conchita Alvis, 59; Movin Rajan, 4; Danila Azunsion, 7; at Steffany Manson, 9, pawang taga-Bgy. Valdez, Matanda, Zaragosa, Nueva Ecija. (Leandro Alborote)
Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog