TARLAC CITY – Nasawi ang isang mahigit isang taong gulang na babae sa sunog na sumiklab sa Block 1 ng Barangay San Roque, Tarlac City.

Napag-alaman na pinagunahan ni SFO1 1 Enrico Tabora ang pagresponde sa sunog hanggang madiskubre ang tupok na bangkay ni Ashley Arceo, 20 buwan, sa isa sa mga natupok na bahay sa sunog dakong 3:15 ng hapon.

Ayon sa fire investigator, nagsimula ang sunog sa kusina ni Lovely Arceo, 29, may asawa hanggang sa kumalat ang apoy sa katabing bahay ng isang Dolor Timbol, 65, ng nabanggit na barangay. (Leandro Alborote)
Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog