SUBUKAN mong banggain si Jennifer Lawrence at si Anne Hathaway ang makakatapat mo.

Ginamit ni Anne ang kanyang Facebook account nitong nakaraang Biyernes upang ipagtanggol ang kanyang kapwa artista na nakatanggap ng iba’t ibang batikos pagkatapos ng Golden Globe Awards.

Nagsimula ang lahat nang tanggapin ni Jennifer ang kanyang Best Actress award para sa pagganap niya sa Joy. Habang nasa press room, nakipagbiruan si Lawrence sa isang reporter mula sa Hollywood Foreign Press Association tungkol sa laging pagsilip at paghawak nito sa cellphone habang nagtatanong. Sinabi niya rito na, “You can’t live your whole life behind your phone, bro,” na nagresulta ng mga negatibong komento sa online.

Ngunit, nang mabasa ito ni Hathaway ay hindi nito pinalampas ang isyu.

Tsika at Intriga

Maris, namundok matapos maeskandalo kay Anthony

“Dear the Internet, It’s become pretty clear that the Jennifer Lawrence ‘scolding’ was taken out of context and that she was dryly joking with a journalist who was indeed using his phone to take photos of her,” saad ni Anne Hathaway.

“Let’s not continue the sad but common practice of building people — especially women — up just to viciously tear them down when we perceive them to have misstepped. Jennifer is a beautiful, talented, wildly successful, popular, FOUR TIME OSCAR NOMINATED young woman. Please let us not punish her for these things. Sincerely, A J-Law fan #‎supportstrongwomen #‎imwithher #‎whycantwegiveloveonemorechance” 

Si Anne, nanalong Best Supporting Actress sa Oscar nang taong nanalo rin si Jennifer bilang Best Actress, ay nakaranas din ng pambabatikos sa online community. Ang mga netizen na hindi siya gusto ay bumuo ng samahan na pinangalanang: “Hathahaters”.

Ipinaliwanag ni Hathaway noong Nobyembre 2014, sa kanyang guesting sa The Ellen DeGeneres Show, na alam na niya kung paano dalhin ang mga taong hindi siya gusto.

“I listened [to the bullies] at first. I couldn’t help it,” ani Hathaway. “You try to shut it off, and I couldn’t… and then I realized why I couldn’t is, I hadn’t learned to love myself yet. I hadn’t gotten there yet. And if you don’t love yourself when someone else says horrible things to you, part of you is always going to believe them.” 

Hindi nagtagal, aniya, nakayanan na niyang hindi pansinin at hindi damdamin ang mga negatibong opinyon ng mga tao sa kanya.

“As Matthew McConaughey, my Interstellar co-star would say, ‘I just kept living,’” sabi ni Anne. “And it’s been a really cool journey. Maybe not every minute of every day, but way more than I used to, I have a tremendous amount of love and compassion for everyone else, and best of all I have it for myself.” (Yahoo News/Celebrity)