Inilagay sa heightened alert ang pulisya at militar sa buong North Cotabato kasunod ng pananabotahe ng isang armadong grupo na nagpasabog ng isang bomba sa kainitan ng pista ng Sto. Niño sa bayan ng Midsayap, nitong Huwebes ng gabi.

Sinabi ng North Cotabato Police Provincial Office (NCPPO), na gawa sa pako, blasting caps, at pulbura ang improvised explosive device (IED) na sumabog sa Purok Mirasol sa Barangay Polomoguen sa Midsayap, dakong 10:30 ng gabi.

Sa kabutihang palad, walang iniulat na nasugatan sa pagsabog, ngunit nagdulot ito ng takot sa mga residente.

Sinabi ng pulisya na isinabay ang pagsabog sa selebrasyon ng pista ng Sto. Niño sa Midsayap.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Fer Taboy