LA UNION - Dahil nahihirapan na sa pagtatago, sumuko na kahapon ang dalawang barangay tanod na pumatay sa isang ginang na ginilitan pa nila noong nakaraang taon.

Sinamahan ang magpinsang Rolly Miana at Wibur Miana, kapwa tanod, ng kanilang punong barangay na si Pedro Corpuz, sa himpilan ng Bauang Police.

Ayon kay Chief Insp. Rex Buyucan, nakilala ang dalawang suspek matapos silang ituro ng mga testigo sa krimen.

Agosto 2015 nang matagpuang duguan at wala nang buhay si Perla Subala, 43, sa kanyang bahay sa Barangay Acao sa Bauang.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Hindi pa rin umano sinasabi ng mga suspek ang motibo nila sa pagpatay kay Subala. (Wilfredo Berganio)