Walong katao, kabilang ang dalawang menor de edad, ang nadakip ng pulisya makaraang maaktuhan sa pot session sa loob ng isang hotel na sinalakay sa Barangay Caggay, Tuguegarao City, Cagayan, nitong Huwebes ng gabi.

Sinabi ni Supt. Jessie Tamayao, hepe ng Tuguegarao City Police, na naaktuhang gumagamit ng shabu ang mga suspek nang arestuhin ng pulisya sa raid.

Natiklo ang mga suspek matapos na umaktong poseur buyer ang isang pulis at makabili ng droga.

Nasamsam mula sa mga suspek ang pitong heat-sealed transparent sachet ng pinaniniwalaang shabu at drug paraphernalia.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Inaalam pa ng pulisya kung may kinalaman ang may-ari ng hotel sa bentahan at paggamit ng ilegal na droga sa establisimyento. (Fer Taboy)