Pops & Maine copy

MAGKASUNOD na dumating sina Pops Fernandez at Maine Mendoza sa huling gabi ng lamay sa Mt. Carmel Church kay German Moreno (inihatid na sa huling hantungan kahapon). Kaya sabay silang naharang ng ilang photographers at reporters.

Marami ang nagsasabi na may pagkakahawig sina Maine at Pops at nakumpirma ito nang magkatabi na ang dalawa.

“Yeah, tiningnan ko nga siya nang mabuti,” natatawang sabi ni Pops. “Oo, tama nga ‘yung sinasabi ng iba na magkamukha kami. Happy ako, finally na-meet ko si Maine. Mabait siya very approachable.”

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Inamin ni Pops, na kapag may time ay nakakapanood siya ng Eat Bulaga at doon nakikita niya si Maine pero mas madalas na naikukuwento sa kanya ng mga kaibigan ang tungkol sa AlDub

“Dati sa mga Instagram ko sinasabi magkamukha kami ni Maine. ‘Yung mga friends ko sinasabi younger version ko si Maine, ‘yung mga ganu’n. Kaya mas lalo akong na-puzzle sa kanya.

“At nu’ng magkita nga kami, na-amaze ako. Sabi ko sa kanya, finally nagkita tayo, pa-picture naman tayo.

Pinagmasdan daw niya si Maine. At tama raw ang mga kaibigan niya, maganda at mabait ito.

Maganda si Maine, ibig sabihin maganda rin si Pops. One plus one lang iyon, at iyon marahil ang dahilan kung bakit very proud si Pops na sabihing tama ang kanyang mga kaibigan na magkamukha nga sila ng sikat na newcomer.

Almost the same ang mga mata nina Maine at Pops, maging ang hugis ng kanilang mukha, at halos hindi rin nagkakaiba ang ilong.

 

Agad naming tinanong si Pops kung willing siyang makasama si Maine sa isang pelikula o sitcom na ang role niya ang ina ng dalaga.

Biglang tumawang may nakakakiliting pigil na tili si Pops.

“Ay, huwag naman mother, sana older sister na lang, ha-ha-ha-ha! No, no joke lang. Okay lang siguro,” aniya.

Dahil in real life mas matanda naman ang mga anak ni Pops na sina Robin at Ram kay Maine. (MORLY ALINIO)