pba page 16 photo copy

Laro ngayon

Araneta Coliseum

Araneta Coliseum

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

7 p.m. – Rain or Shine vs San Miguel

Last finals berth, aangkinin ng SMB; Game 7 ipupuwersa ng RoS.

Maitakda ang muli nilang pagtutuos, sa ikalawang sunod na taon, ng Alaska ang target ng reigning champion San Miguel Beer sa pagtatangkang tapusin na ngayong gabi ang best-of-7 semifinals series nila ng Rain or Shine sa Game Six na gaganapin sa Araneta Coliseum.

Ngunit ang rematch sa pagitan ng nakaraang taong finals protagonists ay sisikaping hadlangan ng Rain or Shine na hangad namang maisagad ang duwelo nila ng Beermen hanggang Game Seven.

Ganap na 7:00 ng gabi ang pagtatapat ng Beermen at Elasto Painters kung saan kailangan na lamang ng una na gapiin ang huli para maangkin ang huling finals slot at ang karapatang makatunggali ang nauna nang finalist na Aces.

Pero hindi naman basta-basta susuko na lamang ang Elasto Painters na magpupumilit na maitakda ang ikapito nilang pagtatagpo sa darating na Linggo.

Naniniwala si Guiao matapos matunghayan ang pagsasalansan ni reigning MVP at Beermen center June Mar Fajardo ng 27 puntos at pagpukol ng kanilang mga shooters ng siyam na 3-pointers tungo sa 103-94 na panalo, nakadepende ang kanilang kapalaran sa isang mahalagang bagay na hindi niya nakita sa kanilang nakaraang dalawang laban.

“We need to play better defense,” ayon sa ROS mentor matapos ang Game Five kung saan naungusan silang muli ng SMB,3-2. “San Miguel has been scoring in the 50s. Percentage-wise, that’s just too much. Our offense is not bad; we can win with our offense. But we cannot win without our defense.”

Umiskor ang SMB ng 51 % sa kanilang fieldgoals noong Game Four kabilang na ang 31 of 50 (62 %)shooting sa 3-point arc. Naiskoran din nila ang ROS ng 52 puntos mula sa shaded area at tinakbuhan para itala ang 16-2 sa fast break points.

“They beat us in our own game,” pag-amin ni Guiao.

Naniniwala rin si Guiao na “given” na ang bentahe ni Junemar Fajardo. Ngunit ang kabiguan nilang mapigil ang mga shooters ng SMB ang labis na ikinadismaya nito.

“We just have to live with our three bigs [Beau Belga, JR Quinahan and Jewel Ponferada]; wala lang talagang physical matchup kay Fajardo; it’s a defensive problem for us,” wika ni Guiao. “ We can sacrifice scoring a little bit more but we cannot sacrifice two or three more of their guys scoring.”

Lalo pang nadagdagan ang problema ng Elasto Painters nang mawala ang kanilang 6-foot-7 center na si Raymund Almazan na nagtamo ng ankle sprain.

Subalit sa kabila ng lahat ng ito, ayaw bigyang pansin ni SMB coach Leo Austria ang mga nakikitang bentahe ng kanyang koponan para maitala ang kanilang ika-36 na pangkalahatang finals appearance.

“We haven’t achieved anything in this series with this win; we need one more,” pahayag ni Austria matapos ang panalo noong Game Five. “And we need to continue playing deliberate and methodical.”

“We still have a lot of room for improvement,” dagdag pa nito.

Ngunit gaya pa rin ng dati, nananatiling positibo ang pananaw ng Rain or Shine partikular na si Guiao.“We’re still very positive; we still feel we can take this series. All we need is to gain our momentum,”

“We have to keep the game close and play defense. We also have to make a commitment to sacrifice themselves in playing good defense without committing the fouls.” (MARIVIC AWITAN)