Hiniling ng Kongreso sa gobyerno ng Pilipinas na pag-aralan ang panukalang mag-isyu ng P150 bilyong ($3.2 billion) retail bond para pondohan ang long-term military modernization plan upang matiyak ang strategic reserves ng bansa sa West Philippines Sea (South China Sea).

Sinabi noong Lunes ni Rep. Arnel Ty, deputy minority leader sa Mababang Kapulungan, na hihilingin ng Kongreso sa Treasury na ikonsidera ang bond na inisyu upang makapag-impok ang mga Pilipino habang nakatutulong din na maprotektahan ang maritime borders ng Pilipinas laban sa mabilis na pagpapalawak ng lugar ng China sa West Philippine Sea.

“The bulk of the additional funds raised from the bond offering may be set aside to acquire new warships, like frigates and corvettes, for deployment to the West Philippine Sea (South China Sea),” ani Ty sa mga mamamahayag.

“We have to invest in new warships to secure the potential huge oil and gas deposits in the West Philippine Sea, which are the key to our energy independence.” (Reuters)

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji