Takot ang naramdaman ng mga residente ng isang barangay sa Valenzuela City, makaraang masunog ang isang pabrika ng sako sa lungsod na ito, kahapon ng umaga. 

Base sa report ng Valenzuela City Fire Station, dakong 6:20 ng umaga nang masunog ang pabrika ng sako sa Barangay Maysan na pag-aari ni Michelle Go.

Umabot ang sunog sa ikatlong alarma at nagdeklara ng “fire out” ang mga bombero pasado 7:00 ng umaga.

Wala namang iniulat na nasawi o nasaktan sa nasabing sunog.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Hindi pa alam ng arson investigators kung ano ang pinagmulan ng sunog at kung magkano ang halaga ng ari-arian na tinupok ng apoy.

“Kapag sunog parang allergic na kami kagaya ng nangyari sa Kentex na 72 ang nasawi. Nakakatakot na, eh,” anang mga residente na naninirahan malapit sa nasunog na pabrika. (Orly L. Barcala)