BAYAMBANG, Pangasinan - Binawian ng buhay ang isang lalaki matapos siyang barilin sa mukha ng hindi nakilalang gunman habang bumibili siya ng sofdrinks sa isang tindahan sa Premicias Street sa Barangay Cadre ng bayang ito.

Nakilala ang biktima na si Leonil Manangan, 30, tricycle driver, ng Bgy. Nibaliw Sur, Bautista, Pangasinan.

Nabatid sa ulat na dakong 4:30 ng hapon nitong Enero 8 nang bumili ng softdrinks sa isang tindahan si Manangan ngunit bigla siyang binaril ng suspek sa mukha.

Kahapon lang kinumpirma ng pulisya na binawian na ng buhay ang biktima. (Liezle Basa Iñigo)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog