jason perkins photo copy

Tatapusin ni Jason Perkins ang kanyang playing years sa De La Salle.

Ito ang tiniyak ng Filipino American forward na nangakong maglalaro para sa Green Archers ngayong UAAP Season 79.

Balak na sanang umakyat ng PBA ni Perkins ngunit dahil sa itinakdang requirement ng liga para sa mga gaya niyang Filipino–foreign players na kailangan munang maglaro sa PBA D League ay maaantala ang kanyang planong pag-angat sa pro ranks ngayong taon.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Dahil dito, hinayaan naman siya ng pamunuan ng La Salle na maglaro sa darating na PBA D-Lague na magbubukas sa Enero 21 sa San Juan Arena.

Katunayan, ayon sa artikulong naunang lumabas sa Spin.ph, dahil kay Prekins ay binali ng La Salle ang naunang panuntunan para sa kanilang mga manlalaro na gustong makapaglaro sa D League.

Dahil sa katiyakang muling maglalaro si Perkins, mas lalong malakas ang gitna ng Green Archers lalo na ngayong tiyak na ring maglalaro para sa kanila ang Cameroonian center na si Ben Mbala.

Bunga nito ay mas lumaki ang inaasahan mula sa Green Archers na ngayo’y nasa ilalim na ng paggabay ng bagong coach na si Aldin Ayo, ang dating coach ng nagkampeong Letran sa NCAA noong isang taon matapos na mabigo (ang Green Archers) na makapasok ng Final Four noong isang taon.