TACURONG CITY, Sultan Kudarat – Nakabimbin ang pagsasampa ng pulisya ng kaso sa isang umano’y menor de edad na suspek sa pananaksak sa isang katrabaho sa isang pribadong rice mill sa lungsod na ito.

Iginiit ng ina ng suspek, taga-Purok Sampaguita, Barangay New Carmen, na menor de edad pa ang kanyang anak, bagamat hindi naman ito mapatunayan ng birth certificate dahil miyembro ng tribu sa Davao del Sur ang suspek at posibleng hindi nag-iingat ng nasabing dokumento.

Nakaratay naman sa Sultan Kudarat Provincial Hospital dahil sa tinamong saksak sa likod si Abel Boloy, katrabaho at kapitbahay ng suspek.

Bagamat inamin ng suspek ang pananaksak, ikinatwiran niya na lagi siya umanong binu-bully ni Boloy kaya dumating na siya sa puntong hindi na niya ito matiis. (Leo P. Diaz)
Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog