Alaska_Semifinal_06_Dungo,jr_090116 copy

Laro ngayon

Araneta Coliseum

5 p.m. Alaska vs. Globalport

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Aces ‘di dapat makuntento — Compton.

Hindi dapat makuntento sa kung anong bentahe mayroon ang kanilang koponan sa ngayon ang Alaska Aces dahil mahaba pa ang kanilang laban kontra Globalport para makamit ang asam nilang makapasok ng finals sa ginaganap na 2016 PBA Philippine Cup.

Ayon kay Alaska coach Alex Compton, hindi pa sila umaabot sa kanilang destinasyon kaya kailangan pa rin nilang ipagpatuloy ang laban kontra sa itinuturing na pinaka-eksplosibong koponan ng liga sa ngayon.

“We’re up one game against argueably the most explosive team in the league. No way we’re gonna be content, we’re not there yet,” ani Compton.

Ngayong hapon, ganap na 5:00, tatangkain ng Aces na makahakbang palapit sa inaasam na kampeonato sa kanilang paghaharap ng Batang Pier sa Game Four ng kanilang best-of-7 semifinals series sa Araneta Coliseum.

At gaya ng kanilang naunang dalawang panalo, aasahan ni Compton ang kanilang depensa na pinaniniwalaan niyang magsisilbing susi ng kanilang tagumpay.

Sa kabilang dako, halos hindi nagbigay ng mahabang komento sa nangyari noong Game Three, inaasahang maghahanda naman ng husto si Globalport coach Pido Jarencio at ang kanyang mga deputies upang hindi maiwan.

“Wala e, magaling talaga yung kalaban namin. Pero siyempre hindi puwedeng ganun na lang yun,” ani Jarencio.

At gaya ng inaasahan, mismong mga manlalaro ng Batang Pier ang nakakakita ng malaking bentahe sa kanila ng Aces sa ganito katinding playoff kumpara sa kanilang first timer-ang maturity.

“Masama talaga pag nagpadala ka sa galit mo,” pahayag ni Batang Pier guard at reigning Most Improved Player Terrence Romeo.

“Sa sobrang gusto ko manalo tapos yung mga gusto ko, parang hindi nangyayari, parang hindi naaayon sa gusto namin, so medyo na-carried away na ako ng emosyon ko,” ayon pa kay Romeo.

“Tingin ko yung maturity ng pang-semis naman yun ang kailangan naming matutunan,” dagdag nito.“Kailangan ngayon pa lang, makapag-adjust kami every game kasi gusto namin mapuntang finals eh.” (MARIVIC AWITAN)