Walong katao, kabilang ang dalawang sanggol, ang nasaktan sa pagkakarambola ng tatlong sasakyan, kabilang ang isang armored van sa Barangay Sico sa Lipa City, Batangas, nitong Biyernes ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang mga nasugatan na sina Agnes Castillo, 33; kawani ng gobyerno; Baby Jane Bueno, 33; John Carlo Natividad, 11; Andre Gonzales, tatlong buwan; Andrew Natividad, isang buwan; at Edwina Natividad, 57, na pawang lulan sa Hyundai Eon na minamaneho ni Jose Natividad, 58, ng Mamburao, Occidental Mindoro.

Ayon sa report, dakong 7:30 ng gabi at binabagtas ng Eon at ng Toyota Revo (VBA-972), na minamaneho ni Jesus Lasig, Jr., 40, ng Bgy. Tambo, Lipa City, ang lugar nang mag-overtake ang Eon, na nahagip ng papasalubong na armored van.

(Danny J. Estacio)
Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?