CATICLAN, Malay, Aklan – Isang magkapatid na binata ang kasalukuyang pinaghahanap ng Philippine Coast Guard (PCG) matapos silang makasama sa mga nalunod sa paglubog ng sinasakyan nilang bangka patungong Sta. Fe sa Romblon.

Ayon kay Lt. Junior Grade Edison Diaz, hepe ng PCG-Caticlan, unang naiulat na lumubog ang bangkang sinasakyan ng magkapatid na Romnick De Juan, 21; at Ricu De Juan, 17, noong Enero 1.

Kasama ang dalawa pa nilang kapatid, nanggaling sa Boracay ang apat at pauwi na sa Sta. Fe kinagabihan.

Pagdating sa Carabao Island sa Romblon ay hinampas ng malalaking alon ang bangka hanggang sa lumubog ito.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Masuwerte namang may dumaang barge at nailigtas nito ang mga kapatid nina Ricu at Romnick, at agad na nai-turnover sa PCG, at nakauwi na sa Romblon. (Jun N. Aguirre)