HABANG sinusulat ang kolum na ito, ang huling bugso sa talaan ng mga biktima ng ligaw na bala noong Bagong Taon ay umabot na sa 41, ayon sa kapulisan. Posible pang tumaas ang nasabing bilang dahil sa mga larawan at video na naka-upload sa social media na kasalukuyang iniimbestigahan ng Philippine National Police (PNP). Kayanin kaya nilang mabisto kung sinu-sino ang mga pasaway?

Napag-alaman na may karagdagan pang report mula sa ating mga kababayan na pabalik ng Metro Manila pagkatapos ng mahabang bakasyon. Ayon kay PNoy, bumaba ang bilang ng mga biktima ng ligaw nab ala sa 57% kumpara noong 2015. Kaya lamang, mahirap palakpakan ang halatang palusot ng Palasyo dahil paano mo ipapaliwanag sa 41 Pilipino na sa gitna ng kasiyahan at pagsalubong sa 2016, bala ang kanilang natanggap na sorpresa at regalo?

Na sa unang mga oras ng Bagong Taon ay nasa ospital sila at naliligo sa sariling dugo? Sabihin na natin na lima o kahit isa na lang ang biktimang nasa listahan, hindi pa rin natin magagawang magdiwang dahil tuwing sasapit ang pagsalubong sa Bagong Taon, namemeligro ang lahat, matanda o sanggol, sa pakikipagpatintero kay kamatayan. At kapag nakalusot ka nga naman, ay talagang suwerte.

Ayon naman sa Department of Health (DoH), umabot sa 760 ang naitlang biktima ng paputok na tila hindi pa rin natuto at nadadala kaya naputukan o naputulan ng daliri. Matagal ko nang ipinapanukala na ang lahat ng uri ng paputok ay ipagbawal na ilako sa pangkaraniwang mamamayan. Dapat may batas na ipasa ang Kongreso kaugnay sa paggamit ng paputok.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Batas na mag-uutos na ang maaaring bentahan ng mga ganitong “firecrackers” ay tanging LGU, gobyerno, at lisensyadong pyrotechnics experts, para sa pagdaraos ng fireworks display sa mga piling lugar. Hindi na maaari ang ganitong sistema na taun-taon itong headline sa mga pahayagan. May nabasa pa ang inyong lingcod tungkol sa isang Pinoy na niyakap ang ipinagbabawal na “Goodbye Philippines”. ‘Yon na ang “Ultimo Adios” niya. (ERIK ESPINA)