Isinailalim na sa imbestigasyon ng airport authorities ang isang college student matapos mabawi sa kanya ng mga tauhan ng Aviation Security Group (ASG) ang isang bala ng caliber 45 sa Laguindingan Airport sa Cagayan de Oro City noong Lunes.

Sa ulat ni PO1 Noel Natabio ng Landingan Airport-ASG, nakilala ang estudyante na si Dorothea Merl Belonio, 22, tubong Bukidnon.

Sinabi ni Natabio na isinalang ang shoulder bag ni Belonio sa x-ray machine ni security officer Vernes Lomongo nang lumitaw ang imahe ng isang bala sa monitor nito.

Sinabi ng airport officials na agad na inamin ni Belonio na nagbitbit siya ng isang bala bilang “anting-anting” laban sa masasamang espiritu.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Pinayagan ding makasakay si Belonio sa Cebu Pacific flight 5J-396 patungong Manila bandang 8:30 ng gabi matapos siyang palayain ng awtoridad. (Ariel Fernandez)