PANIQUI, Tarlac - Isang hindi kilalang lalaki, na pinaniniwalaang biktima ng salvaging, ang natagpuan sa Barangbong Bridge sa Barangay Rang-ayan, Paniqui, Tarlac.

Sinabi ni PO3 Julito Reyno na ang natagpuang bangkay ay may taas na 5’10”, maiksi ang buhok, may tattoo na “Joy” sa kanang balikat, nakasuot ng itim na bonnet at gray T-shirt.

Bukod dito, narekober mula sa biktima ang isang asul na wallet na may postal ID sa pangalang Girlie Tangonan, ng Gomez Street, Camiling, Tarlac; silver bracelet at necklace, mga larawan, isang transparent plastic sachet na may hinihinalang shabu, at iba pa.

Napag-alaman na ang biktima ay binaril sa ulo at ang bala ay tumagos sa kanyang bibig.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Nakalagak ang bangkay sa Lotus Funeral Parlor sa Tarlac. (Leandro Alborote)